Tuesday, February 8, 2011

PASADO


                      
dsddadsddaANO ANG PASADO?

Ang PASADO ay isang samahan ng mga dalubgurosa antas ng tersyarya. Adhikain ng samahan na maimulat ang kaisipan at maitaas ang antas ng Kamalayang Pangkultura ng mga manonoood na Filipio sa pamamagitan ng pagkilala sa mga natatanging likhang Pelikulang Pilipino

ANU-ANO ANG LAYUNIN NG PASADO?

Pangkalahatang Layunin

·                      Pagmumulat ng kaisipan at maitaas ang kamalyang pangpelikula sa pamamagitan ng pagkilala sa natatanging Pelikulang Pilipino.

Mga Tiyak na Layunin

·                      Pagpapalaganap ng sining, wika, panitikan, agham at nasyonalismong Pilipino sa pamamagitan ng pagkilala sa pinakamahusay na Pelikulang Pilipino.
·                      Pakikalahok sa mga isyu at programa tungo sa paghubog ng kamalayan ng bayan sa pamamagitan ng pelikula.
·                      Pagmumungkahi ng mga nararapat na pelikula na may kaugnay sa pagpapalawig ng edukasyon.
·                      Pagmumungkahi ng mga nararapay na pelikula na may kaugnayan sa pagpapalawig ng edukasyon.
·                      Pagmumulat sa tunay na diwa ng edukasyon sa pamamagitan ng pagtuturo na gamit ng Pelikulang Pilipino.
·                      Paggawad ng parangal sa mga Pasadong Pelikuls, lalo na sa mga elementong napatangi nito.

ANO ANG IBIG SABIHIN NG LOGO NG PASADO?

            Ang logo ng PASADO ay isang mag-aaral na mat hawak na sulo. Ang sulo ay sumasagisag sa knayang karunungang taglay. Ang lagablab ng apoy na naggagaling sa sulo ay negatibo na simbolo ng pelikulang masining at makabuluhan, dinisenyo ito nina Cindy Beata at Monalaya Cabaltican, mga mag-aaral ng Fine Arts ng FEU. Ginawa ni Arthur Valdez ang unang disenyo ng tropeo ng Gawad Sining Sine.

KASAYSAYAN NG PASADO


            Isinatitik at nilikha ang PASADO sa sunud-sunod na pulong nina Flaviano Lirio, Emmanuel Gonzales at Danilo Cabalu sa Jose Rizal College at De La Salle University Manila. Ang pampelikulang samahan ng mga dalubguro o PASADO ay itinala sa Philippine Securities and Exchange Commission sa serye A1999-03619 bilang usang samahang pampelikula at akademya noong Pebrero 5, 1999.

                Naging adhika ng samahan maimulat ang kamalayang pangkultura sa pamamagitan ng pagkilala sa
mga natatanging likha ng mga Pilipino sa aliw ng sine. Ang sining-sine na binuo ng PASADO ang siyang nagging lundayan sa pagkilala sa mga natatanging tao sa likod ng mga Pasadong Pelikula sa bawat taon. Unang nanugkulan bilang tagapangulo si Flaviano Lirio Jr.. Pangalawang Tagapangulo si Roberto Javier Jr., Kalihim si Emmanuel Gonzales at mga miyembro ng Lupong Tagapag-ingat sina Victor Tomas at Mano Miclat.

No comments:

Post a Comment